Net 25 accuses Pacquiao of “pambabastos” MANNY PACQUIAO – The senator and the presidential candidate has been accused by Net 25 of “pambabastos.”
Credit to the rightful owner of the photos Pacquiao is gearing up for the highest position in the government this coming May 9, 2022 election.
Together with his runningmate Buhay partylist representative, Lito Atienza, they will go against the tandem of; Vice President Leni Robredo and Senator Francis “Kiko” Pangilinan, former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Manila Mayor Isko Moreno and Doc Willie Ong, Senator Panfilo “Ping” Lacson and Senator Vicente “Tito” Sotto III.
Pacquiao and other top presidential candidates have been appearing on presidential interviews as the election nears.
Apparently, he was not able to attend his interview on Monday, January 31 via Net 25 in their program, Ano Sa Palagay N’yo.
This prompted the network to release a statement against the senator.
Their official statement is titled, “Pacquiao, Binastos ang Net25.”
Here’s the statement of Net 25 according to PEP.ph :
Taliwas sa mga ipinalalabas sa ilang ulat na umatras si Sen. Manny Pacquiao sa interview ng NET25. Ang crew at hosts pala ang pinag-pull-out ng TV network dahil sa napakahabang oras na paghihintay ng mga ito sa presidential aspirant na hindi tumalima sa napagkasunduan.
Ayon sa Director ng ASPN Primetime na si Jeannie Gualberto, nakipag-ugnayan ang team ni Pacquiao sa NET25 para ma-interview ng programa ang kanilang kandidato. Itinakda ang taping alas-kwatro ng hapon noong January 31, 2022, sa kanilang headquarters sa Makati City.
Tatlong araw bago ang schedule, ipinalipat nila ng 1PM dahil may conflict daw sa isa pang interview sa ibang network. Subalit sa mismong araw ng scheduled interview, ibinalik muli sa 3 PM, sa kadahilanang may senate session. Pagsapit ng alas-tres ng hapon ay humirit na naman na gawing 4 PM dahil patapos na raw ang session.
Nang hindi pa rin dumating sa 4PM, nag-abiso muli ang kaniyang staff; magbobotohan na raw at pagkatapos nito ay makakaalis na siya mula sa kaniyang bahay. Sa puntong ito, nasa sampung oras nang naghihintay ang media crew ng NET25.
Kasama nilang naghihintay ang ka-tandem ni Sen. Pacquiao na si Mayor Lito Atienza na dumating naman ng alas-12 ng tanghali sa naturang HQ para sa interview. Pagsapit ng alas-singko ng hapon, wala pa rin ang dapat sana’y i-interview-hin ng team.
Nang makarating sa management ang pinagdaraanan ng crew at hosts, napagdesisyunan na i-pack-up ang panayam at i-pull-out lahat ng gamit. Ikinonsidera ng management na ang Team ASPN ay mayroong live program pa sa umaga at nakatakdang magsagawa ng interview kay Presidential aspirant Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. at Atty. Larry Gadon sa hapon.
Ikinadismaya ng network ang kawalan ng respeto sa oras ng kapwa. Lubos pa na nakapagpalala rito ang naglalabasang report na taliwas sa katotohanan. Marami na nga ang kumikwestyon sa kaniyang kakayahan at karanasan na pamunuan ang bansa sa gitna ng gahiganteng problema na dulot ng pandemya. Idagdag niyo na ngayon d’yan ang kwestyon sa pagkatao niya.
RESPETO SA KAPWA. LALO NA SA MALILIIT. ALAM MO DAPAT. DAHIL DOON KA GALING.
Net 25, formerly known as Eagle Broadcasting Corporation, is owned by Iglesia Ni Cristo.
What can you say about this report? Share your thoughts or insights in the comment section below.
For more news and the latest updates, feel free to visit Newspapers.ph more often as well as our Facebook page and YouTube channel .