Katangian Ng Pananaliksik – 7 Katangian Ng Pananaliksik At Kahulugan

Ano Ang Mga Katangian Ng Pananaliksik? (Sagot)

PANANALIKSIK – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang katangian ng pananaliksik at ang kahulugan nito.

Mayroong 7 na pangunahing katangian ang pananaliksik ito ang mga sumusunod:

  1. Imperikal
  2. Lohikal
  3. Siklikal
  4. Analitikal
  5. Kritikal
  6. Metodikal
  7. Kakayahang i Kopya (Replicability)
Katangian Ng Pananaliksik – 7 Katangian Ng Pananaliksik At Kahulugan

Imperikal – Ang pananaliksik ay nakabatay sa mga direktang karanasan o obserbasyon ng mga mananaliksik.

Lohikal – Ang katangiang ito ay naka base sa mga tamang pamamaraan at mga alituntunin.

Siklikal – Naglalarawan ito ng isang “cyclical” na proseso dahil nagsisimula ito sa isang problema at nagtatapos sa isa pang problema.

Analitikal – Pinag-aaralan ang mga paraang analitikal na pagkuha ng datos. Maaari itong maging historikal, deskriptibo, o experimental.

Kritikal – Dito, ang pananaliksik ay sumasailalim sa maingat at tumpak na paghahatol.

Kakayahang i Kopya (Replicability) – ang disenyo at mga pamamaraan ng pagsasaliksik ay kinopya o inulit upang maabot ng mananaliksik ang wasto at kapani-paniwala na mga resulta.

Ating tandaan na ang  pananaliksik ay sistematik. Mayroon itong proseso o magkakasunod na hakbang na dapat sundin tungo sa pagtuklas ng impormasyon. Ang pangunahing layunin ng mga pag-aaral na ito ay ang mapabuti ang kalidad ng isang aspeto ng komunidad.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Layunin Ng Bawat Sektor – Kahulugan At Halimbawa Nito (newspapers.ph)

Leave a Comment