Waldy Carbonell Revelation on ABS-CBN Franchise (Transcript & Video)

The revelation of Waldy Carbonell

Waldy Carbonell, a former anchor of ABS-CBN News Channel (ANC) is currently making rounds online following his revelations about the franchise renewal of Kapamilya Network.

Watch the Waldy Carbonell in the video below:

https://www.facebook.com/kapamilyakingdom/videos/894611597713099/

Here’s the transcript of Waldy Carbonell’s revelation:

“Ah, nais ko pong banggitin uli na ko po ay kunukuha ng bagong TV station, TV network. Aba’y nilapitan po ako. Nagkita po kami d’yan sa Villamor Golf and Country Club. Mukhang naikwento ko na po ito noong araw.

Nilapitan po ako ng isang dating Public Relations Officer ng Philippine Airlines na ngayon ay s’ya po’y Public Relations Man ng bagong tatag na network ng mga Intsik na papalit ‘di umano sa ABS-CBN.

Ito po’y mga two months nang nangyayari. Ang sinabi niya sa akin, ‘DONE DEAL na ‘yang ABS-CBN. Hindi na ire-renew ang prangkisa niyan. ‘Yan ay mawawala na at kami ang kapalit!’

‘Ka ko, ‘Sinong grupo ‘yan?’

Ito’y grupo ng mga taga-Hongkong at ang kanilang pakay ay magtayo ng TV station dito sa Pilipinas.

Ika ko, ‘Hindi pwede, hindi pwede ang mga dayuhan na magmay-ari ng media.’

Aba’y sabi n’ya, ‘Alam mo naman, Pilipinas ito — pwede lahat; lalo’t higit ‘pag ito’y Intsik.

Anong kailangan mo sakin?

Nangangailangan kami ng editor-in-chief sa aming news department at napakalaki ng sweldo, sasama ka ba?

Ang sabi ko, ‘Wala naman kayong prangkisa sapagkat nandyan pa naman ang ABS-CBN.

Ang sabi niya sa akin, ‘Mayroon na tayong prangkisa na dati nang standby franchise na walang gumagalaw; at ito’y in-award na sa amin ng Malacañang.

Anong kailang mo uli sakin? ‘Ikaw ay gusto naming maging editor-in-chief ng news department.’

Sabi ko bakit ako? Medyo hindi na tayo masyadong bata.’

Ang sabi niya, ikaw ang talagang gusto nila sapagkat napakalawak na ng iyong naging karanasan.

Alam namin na ikaw yung the only journalist, Filipino journalist na nag cover ng Baghdad war sa iyong black time program sa ANC noong araw.

Ikaw lamang yung journalist na nag hunger strike at nagtalumpati noong panahon ng EDSA.

Ikaw ang napupusuan namin o nila na maging editor-in-chief.

Sabi ko mukhang hindi ko magagawa na sasapi ako sa isang network na papalit sa ABS-CBN.

Hindi namin papalitan ang ABS-CBN, yan ay talagang mawawala na at ang mangyayari dito ay bagong grupo na ang gagamitin ay standby franchise.

Ang sabi ko, eh ano ang kailangang kwalipikasyon? ‘Mga kaibigan makinig po kayong mabuti, ang kwalipikasyon… ang sweldo muna, ang sweldo po ay seven digits.

Ano pong ibig sabihin niyan? Pinakamaliit po niyan ay 10 million.

Sabi ko, ‘Bakit napakalaki?’Isa lamang ang iyong magiging qualification na kinakailangan sagutin mo. Handa ka ba na kumampi sa Malacañang?

Medyo nabilaukan po tayo ng kunti sapagkat napakalaki ng in-offer na sweldo sa atin monthly.

Sabi ko po hindi, sapagkat hindi binebenta ang programa.”

What can you say about Waldy Carbonell’s revelation? Share your thoughts or insights in the comment section below.

For more news and the latest updates, feel free to visit this website more often.

Note: Video and transcript were generated from Facebook page Kapamilya Kingdom but minor revisions have been made for reader’s convenience.

1 thought on “Waldy Carbonell Revelation on ABS-CBN Franchise (Transcript & Video)”

Leave a Comment