Aabutin ang Bituin – Kahulugan At Halimbawa Nito
AABUTIN ANG BITUIN KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng aabutin ang bituin at ang halimbawa nito.
Ang mga matalinhagang salita tulad ng “aabutin ang bituin” ay ginagamit na noong unang panahon pa. Ito’y ginagamit ng ating mga ninuno upang bigyan ng kulay ang kanilang salita. Ito rin ay nagpapaganda ring ng sinusulat para lalong ganahan ang mga mambabasa.
Ang pag gamit ng mga matalinhagang salita ay nagpapahasa din ng ating pagka Pilipino. Kailangan natin itong malaman dahil nagpapaalala ito sa ating pinaggalingan.
Ang salitang “aabutin ang bituin” ay nangangahulugang aabutin ng isang tao ang kanyang pangarap o mithiin gaano man ito ka hirap o imposible. Masyado kasing malayo ang mga tala kaya hanggang tanaw nalang tayo.
Kapag sinabi ng tao na aabutin nya ang mga bituin, ibig sabihin, gagawin nya ang lahat para sa kanyang minimithi. Isa talagang pagsubok ang maabot ang langit, pero nagpapa hiwatig lamang ito ng pagiging masikap ng isang tao. Mahalaga ang salitang ito dahil nagsisilbi itong motibasyon sa lahat.
BASAHIN DIN: Pasan Ang Daigdig Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng aabutin ang bituin:
- Aabutin ko ang bituin makuha ka lamang.
- Huwag mong pangakuan si Jenny na aabutin mo ang bituin para sa kanya.
- Aabutin ko ang mga bituin sa langit mapasaya lamang kita.
- Aabutin ko ang bituin matupad ko lang ang lahat ng pangarap ng nanay ko para sa akin.
BASAHIN DIN: Under Da Saya Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page