Bulang-Gugo Kahulugan at Mga Halimbawang Pangungusap
BULANG-GUGO KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng salitang bulang-gugo at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang salitang bulang-gugo ay sawikain o idyoma. Ang salitang ito ay idyoma dahil hindi nakukuha ang kahulugan nito batay sa literal na pahayag nito.
Ang idyoma’y ginagamit para ipahayag ang damdamin, ideya at kagustuhan sa paraang kaayaaya sa pandinig at pagbasa. Ang mga matatalinhagang salita tulad ng bulang-gugo ay mahirap unawain ngunit ito’y nagbibigay ng interes at misteryo para mas unawain ang ipinahiwatig ng nag sabi nito.
Ang salitang “bulang-gugo” ay nangangahulugan ng pagiging bukas-palad o pagiging mapagbigay ng isa. Kapag tinawag mong bulang-gugo ang isang tao, ibig sabihin ay mapagbigay siya o ang tinatawag ng karamihan na “galante.” Kapag palagi-ang nagbibigay ng tulong sa iba ay tinatawag na bulang-gugo.
Malamang na pinangalan ito dahil ang “gugo,” o ang tradisyunal na “shampoo” ng buhok ng mga Pilipina ay mula sa balat ng isang puno na ang siyentipikong pangalan ay Entada phaseoloides. Ito’y gumagawa ng maraming foam kapag ibinabad at ipinahid sa tubig.
BASAHIN DIN: Makalaglag-matsing Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang bulang-gugo:
- Ang taong bulang-gugo ay mahililg maglustay ng salapi.
- Bulang-gugo ang batang si Marco sa mga pulubing kaniyang nakikita at nakakasalamuha.
- Bulang-gugo si Michelle dahil anak-mayaman siya.
- Si Kempoy ay nagipit sapagkat siya ay bulang-gugo.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Karancho – Ano Ang Ibig Sabihin Ng Karancho?
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page