SANGGANG DIKIT – Kahulugan ng “Sanggang Dikit” At Mga Halimbawa Nito

Sanggang Dikit Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

SANGGANG DIKIT KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng sanggang dikit at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang salitang sanggang dikit ay isang idyoma. Ang idyoma ay ay mga salita na hindi literal ang kahulugan. Ang mga ganitong uri ng salita ay karaniwang ginagamit bilang ekspresyon at may mga kahulugan na piguratibo.

Ang kahulugan ng ekspresyong “sanggang dikit” ay “magkasundo sa lahat ng bagay” o nagtutulungan. Ang salitang ito ay hindi na masyadong ginagamit ng mga kabataan ngayon.

Ang “sanggang dikit” ay maari ring gamitin sa paglalarawan ng isang taong itinuturi mo bilang matalik na kaibigan o “bestfriend” sa wikang Ingles. Literal na mayrrong kahulugan ang salitang ito na hindi mapaghiwalay o lagging magkasundo.

Ang salitang ito ay mahalaga sa panitikan dahil ito’y tumutukoy sa magandang relasyon ng magkakaibigan. Ang sanggang dikit ay isa ring simbolo ng magandang samahan sa trabaho o sa politika.

BASAHIN DIN: Balat Sibuyas Kahulugan At Halimbawa Nito

Bestfriends
Photo Source: Thought Catalog

Mga halimbawa sa pangungusap:

  • Ang tatlong batang magkakasanggang dikit ay nangako sa isa’t isa na hinding hindi sila kailanman magkakalayo.
  • Magka sanggan dikit palagi si Anna at si Pearl pagdating sa panunuod ng horror na pelikula.
  • Si Pedro at Jose ay magkasanggang dikit na mula noong sila ay bata pa.
  • Kaming magkapatid ay sanggang-dikit kahit na ano man ang mangyari.

BASAHIN DIN: Amoy Pinipig Kahulugan At Halimbawa

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment