Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Likas Na Yaman
LIKAS NA YAMAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang halimbawa ng mga tula tungkol sa ating mga likas na yaman.
Ang ating mga likas na yaman ay mahalaga dahil limitado lamang ito. Pero, dahil sa kasakiman ng mga tao, madaling nauubos ang ating mga likas na yaman. Ito’y dahil hindi nirerespeto ng karamihan ang mga ito.
Mula sa ating mga puno papunta sa ating mga dagat, ang mga likas na yaman natin ay parte ng ating kultura at tradisyon. Ito ay isa sa mga nagbibigay sa atin ng kasarinlan at dapat itong bigyang halaga at protektahan.
Heto ang mga halimbawa ng tula tungkol dito:
Kalat kalat man ang mga pulo
Hindi maitatago ang yaman nito
Mula Batanes hanggang Jolo
Walang kupas ang ganda nito
Ang ating likas na yaman,
Dapat lang nating pag-ingatan,
Dahil kapag ito’y naubos
Kalamidad ay bubuhos
Kay ganda ng ating kalikasan
Tahanan ng mga likas na yaman
Pero bakit natin hindi iniingatan
At bakit tayo nagpapadala sa kasakiman?
Mga likas na yaman ng ating bansa
Madali na lamang mauubos
Kaya dapat lagi tayong handa
Na protektahan ito ng lubos.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kahalagahan Ng Idyoma – Halimbawa At Kahulugan Nito
SALAMAT PO