Heto Ang Mga Layunin Ng Bawat Sektor Ng Ating Lipunan
LAYUNIN NG MGA SEKTOR – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga layunin ng bawat sektor sa ating lipunan.
May limang pangunahing sektor sa ating lipunan na kailangan para magkaroon ng progresibong komunidad. Ito ang:
- Edukasyon
- Relihiyon
- Pamilya
- Negosyo
- Pamahalaan
Lahat ng mga sektor na ito ay may kani-kanilang layunin na kailangang gampanan. Heto ang mga halimbawa:
Sa sektor ng edukasyon, layunin nitong bigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng mga estudyante na magkaroon ng maganadang edukasyon. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Pero, kung hindi na bibigyan ng sapat na pansin ang edukasyon, hinding-hindi ito makakamit.
Ang sektor naman ng relihiyon ay nagpapalapit sa mga tao sa komunidad sa ating Panginoon. Tinuturuan ang mga tao ng mabuting asal at manalangin sa Diyos.
Samantala, ang sektor naman ng Pamilya ay nangangalaga at nag sisilbing pangunahing mga guro sa mga kabataan. Bukod dito, ang mga pamilya ay ang pinakamahalagang bahagi ng isang lipunan dahil sila ang nagiging pondasyon ng isang komunidad.
Ang sektor naman ng mga negosyo ay nagbibigay ng mga produkto at serbisyo para sa pangangailangan ng mga tao. Ito rin ay nagbibigay ng trabaho sa maraming miyembro ng lipunan.
Ang pamahalaan naman ay naglalayong panatilihin ang kaayusan ng lipunan o komunidad.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN RIN: Bakit Masasabi Itong Kontemporaryong Isyu? (Sagot) (newspapers.ph)