Male Teacher Shares Inspiring Journey from Struggles to Success
INSPIRING STORY – A male teacher compared their life back then, when they had no money to meet their basic needs.
Recently, Jay Pee, a Facebook user, shared a comparison of their difficult past and the improved life he now enjoys with his family. The post quickly circulated online and elicited comments from the netizens.
Jay Pee recalled many Christmases and New Year celebrations when his family had barely enough to eat, let alone celebrate. Growing up in extreme poverty, he and his siblings often went without proper food, school supplies, or even decent clothing.
Basic needs like a ballpen or paper were beyond their reach as feeding the family was always the priority.
As a child, Jay Pee had to work various jobs just to help make ends meet. From farming and fishing to gathering forest plants for sale, he did whatever was necessary to support his family. While other children played freely, he worked to earn money for food.
Despite his envy and tears, these challenges ignited his determination to break free from poverty. His passion for education never wavered. Despite being absent from school at times to work, he excelled, earning recognition in high school.
In a similar story, an architecture graduate goes viral after sharing his inspiring story online
College presented even more struggles, such as walking over five kilometers because he couldn’t afford transportation. Hunger and exhaustion were constant companions, but he persevered, balancing work and studies to achieve his dreams.
Now a teacher and principal, Jay Pee looks back at his journey with gratitude. He credits his faith, hard work, and the support of his wife for the stability and blessings they enjoy today.
Here is the full post:
“Hindi ko maiwasang i-compare ang buhay ko sa kalagayan ng pamumuhay namin noon. Naalala ko pa na maraming pasko at bagong taon ang nagdaraan na walang wala kami. Na ultimo kanin ay walang mailaman sa sikmura dahil sa hirap ng buhay.
Halos araw-araw tinatanong ko ang aking sarili kung bakit yong ibang mga bata magaganda ang damit na sinusuot, may baon pagpasok sa school, kumpleto ang gamit sa eskwelahan, samantalang ako at ang aking tatlo pang kapatid ay wala. Salat sa lahat ng bagay, na kahit ballpen at papel ay hindi makabili dahil mas inuuna ang sikmura bago ang anupamang bagay. Maraming araw rin na isang beses lang kumain ng kanin sa isang araw dahil kapos ang perang kinita ng buong pamilya.
Bata pa lang ay namulat na sa prinsipyong dapat kumayod muna bago makakain. Kaya naman sa murang edad pa lang lahat na ng trabaho ay naranasan ko. Sumasama sa pagkukopra, nagpapaupa sa pagtatanim at pag-aani ng palay, pangingisda, pag-uuling ng kahoy, pangunguha ng mga halamang bundok para maibenta at kung anu-ano pang pwedeng pagkakitaan.
Lihim akong umiiyak noon dahil naiinggit ako sa mga katulad kong bata. Nakikita ko sila na malaya at masayang nakapaglalaro, samantalang ako nagtatrabaho para lang may makain sa maghapon.
Subalit ang kahirapan ang naging inspirasyon ko para magsikap, magpursigeng makapag-aral para kahit papaano ay makaahon sa hirap ng buhay. Kaya naman, nang magkaroon ng chance na makapag-aral ay nagpatuloy ako kahit maraming beses na absent dahil kailangan talagang magtrabaho para may makain. Nagtapos ng high school ng may karangalan.
Nang magkolehiyo na ay mas naging mahirap ang sitwasyon dahil may bayad ang tuition. Para makatapos ay kailangang mas magsipag at magtiis. Naging working student para may maitustos sa sarili at pag-aaral. May mga oras na ginusto ko nang tumigil dahil na rin sa pagod at gutom na nararanasan sa tuwing pumapasok. Maraming na wala ako kahit pangmeryenda man lang sa school canteen lalo na kapag hindi pa nabibili ang handicraft na aking ginawa para magkapera, kaya pinalilipas ang oras sa library dahil walang maibili ng pagkain kahit kumakalam ang sikmura. Ang mas nakakaiyak ay ang paglalakad pauwi ng bahay galing school ng halos mahigit limang kilometro dahil walang pamasahe sa tricycle. Hiyang-hiya ako sa iba ko pang mga kaklase sa tuwing makikita akong naglalakad pauwi habang sila ay sakay ng pampasaherong sasakyan at ang iba ay may sumusundong sasakyan. Kaya para hindi nila ako makita na naglalakad lang pauwi ay sa riles ng tren ako dumadaan kahit madilim at puro bato ang dinaraanan dahil noon ay gabi na natatapos ang lahat ng klase sa kolehiyo sa Eastern Quezon College sa bayan ng Gumaca.
Sobra pa sa mahirap ang naging buhay ko noon. Bagay na mas nagpatatag sa aking sarili. Kahirapang naging pundasyon ng buong pagkatao ko. Ang kahirapang lagi kong sukatan ng lahat ng struggles ko sa buhay. Sa turing may problema, iniisip ko lang ang lahat ng hirap na nalamapasan ko noong bata pa ako ay nagiging magaan lahat ng bagay sa akin.
Kaya ngayon na medyo gumaan na ang pamumuhay, hindi ko kailanman kakalimutan ang mga oras na walang wala ako dahil ito ang aking laging sukatan ng kung anuman ako ngayon at kalalagayan ng aking pamilya.
Salamat sa aking naging kahati sa buhay, Norieta Garbolo Pait, sa kanyang pagsisinop at pagmamahal. Isa rin siya sa mga dahilan kung bakit nagkaroon kami ng mga bagay na meron ang pamilya namin sa ngayon.
Salamat sa Panginoon sa patuloy na pagbibigay sa akin at sa aking pamilya ng lahat ng blessings. Kaya naman sa nakalipas na taon ay sobra sobra ang aking pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyayang patuloy Niyang binibigay, sa pagdinig sa aking mga panalangin, lalo na ang pagkakaloob niya na makapasa ako sa principal’s test sa taong 2024. PURIHIN ANG PANGINOON.
HAPPY NEW YEAR EVERYONE!”
The internet users expressed their reactions to the post: