Mahina Ang Loob – Kahulugan At Halimbawa Nito
MAHINA ANG LOOB KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng mahina ang loob at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang “mahina ang loob” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Isa ito sa pinaka sikat na sawikain sa bansa.
Ang idyomang ito ay tumutukoy sa isang taong duwag, matatakutin, madaling sumuko, nanlulumo, o wasak ang puso. Ang salitang ito ay kabaliktaran ng salitang gaya ng agresibo, malakas ang loob, matabpang, lumalaban, at hindi sumusuko.
Ang “mahina ang loob” ay iniuugnay sa katangian ng taong mahila at walang lakas. Hindi buo ang kanyang damdamin at abilidad sa paggawa ng desisyon.
Tiningin kasi ng marami kahinaan ang pagiging duwag. At kapag mahina ang isang tao, sinasabing mahina ang mga kalamnan nito.
Ang terminong ito ay madalas maririnig sa mga usapan. Madalas din itong gamitin sa mga akdang pampanitikan tulad ng sanaysay, tula at marami pang iba.
BASAHIN DIN: Maaliwalas Ang Mukha Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng mahina ang loob:
- Si Felix ay mahina ang loob pagdating sa panliligaw sapagkat madalas siyang di binibigyan ng pansin.
- Si Marian ay may kakayahang sumayaw pero hindi nya ito pinapakita sa iba dahil mahina ang loob nya at natatakot na tuksuin.
- Mahina ang loob ni Harold kaya ni hindi niya nagawang lakaran ang kanyang pangarap.
- Kung alam ko lang na mahina ang loob mo ay hindi na sana kita isinama pa rito.
BASAHIN DIN: Lumuha Ng Bato Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page