Hawak Sa Leeg – Kahulugan At Halimbawa Nito
HAWAK SA LEEG KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng hawak sa leeg at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang “hawak sa leeg” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ito ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga at hindi tuwirang naglalarawan ng isang bagay, sitwasyon o pangyayari.
Ang pag gamit ng mga sawikain ay nakakatulong upang mas lalong mabigyang-diin ang isang pangungusap. Nakakapukaw din ito ng damdamin ng mga nagbabasa o nakikinig.
Ang “hawak sa leeg” ay tumutukoy sa isang tao na sunod-sunuran o alila sa kanyang boss, asawa o kung sinumang kasalamuha niya. Ibang tao ang may kontrol sa kanila at hindi sila basta magdesisyon o hindi sila pwedeng sumalungat sa taong iyon na para bang hawak nila ang buhay nito. Madalas maririnig ito sa mga pagtatalo ng mag-asawa o magkasintahan.
Ang talinhagang ito ay ginagamit sa mga sulatin at iba’t-ibang akdang pampanitikan. Ito’y mababasa din sa mga komentaryo at editorial, mga kwento at iba pang babasahin.
BASAHIN DIN: Parang Kiti-Kiti Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng hawak sa leeg:
- Palibhasa’y hawak sa leeg ng kanyang amo kaya kahit anong iutos ay sinusunod ni Inday.
- Si Joshua ay hawak sa leeg ng kanyang asawa.
- Maraming tao ang nagsasabing hawak sa leeg ng mga sindikato ang binatang yan.
READ ALSO: Galit Sa Pera Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page