Mabigat Ang Kamay Kahulugan At Halimbawa Nito
MABIGAT ANG KAMAY KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang mabigat ang kamay. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Matanda, bata, may pinag-aralan o wala, tanging wika lang ang instrumentong pang komunikasyon na walang pinipili. Ginagamit natin ito upang maisaysay natin ang ating damdamin, saloobin, mga ideya o opinion.
Ang wikang Pinoy ay mayaman sa maraming klase ng panitikan at isang uri nito ay ang matalinhagang salita. Ang mga ganitong klase ng salita ay may malalim na kahulugan o hindi naman, hindi tiyak ang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito.
Isa sa pinaka sikat na idyoma sa bansa ay ang “mabigat ang kamay.” Dalawa ang maaring kahulugan ng talinhagang ito.
Una ay madaling makasakit ng iba. Halimabawa ay nanununtok, nanampal o kahit na anong pisikal na pananakit sa kapwa. Maari din ang pagkahulugan nito ay ang isang tao ay tamad.
BASAHIN DIN: Kumukulo Ang Tiyan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng mabigat ang kamay:
- Maraming pasa ang bata sa katawan dahil ang kanyang ina ay mabigat ang kamay.
- Masayang nanonood ng palabas ang magkakapatid sa sobrang tuwa hindi napansin ni Sherly na kanya nang na hampas ang kanyang kapatid, ayon kay Mario “napakabigat ng iyong kamay Sherly.”
- Mabigat ang kamay ni Jerry kaya tinanggal na ng kanyang amo sa construction.
- Masyadong mabigat ang kamay ni Lance sa kanyang mga anak.
BASAHIN DIN: Agaw-buhay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page