Bilang Na Ang Araw – Kahulugan At Halimbawa Nito
BILANG NA ANG ARAW KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang bilang na ang araw. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang idyoma ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga. Ang mga matalinhagang pahayag (idiomatic expression) ay parating ginagamit ng mga lingwistiko sa pag gawa ng iba’t ibang uri ng babasahin.
Ang mga ganitong klaseng mga salita ay nakakapukaw ng damdamin ng mga nagbabasa o nakikinig. Ang pasulat sa patalinhagang pamamaran ay isa sa mga paraan para mahikayat ng may akda ang kanyang mga mambabasa.
Isa sa pinaka popular na talinhanga sa bansa ay ang “bilang na ang araw.” Ito ay tumutukoy sa isang tao o bagay na malapit na ang katapusan. Pwede rin itong tumukoy sa taong hindi na magtatagal o malapit nang mamatay.
Ang salitang ito ay nagmula sa tradisyon ng pag gamit natin ng kalendaryo dahil bawat buwan ay merong katapusan. Ito’y kadalasang ginagamit sa telebisyon, pelikula, at mga dula.
Ang talinhagang ito ay maari ding gamitin sa ordinaryong pag-uusap kung saan pweding sabihin na malapit na ang petsa ng katapusan (deadline).
BASAHIN DIN: Buto’t Balat – Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng bilang na ang araw:
- Bilang na ang araw ni Mang Fernando.
- Bilang na ang araw eleksyon na.
- Sabi ni Nancy bilang nalang daw ang araw ng kanyang lolo.
- Tanggap niya na bilang na ang araw ng kanyang asawa.
BASAHIN DIN: Pantay Ang Paa Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page