Itim Na Tupa Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Itim Na Tupa Kahulugan At Halimbawa Nito

ITIM NA TUPA KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng sawikaing itim na tupa at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.

Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga. Mahalaga ang sawikain sa ating wika dahil ito ang naghihikayat sa magbabasa na tuklasin kung ano ant totoong kahulugan ng isang makulay na salita.

Ang sawikain ay nagdadala ng aral at nagsasaad ng damdamin. Sa halip na ordinaryong salita, malalalim na mga salita ang ginagamit dito. Isa sa mga sikat na sawikain sa Pilipinas ay ang salitang “itim na tupa.”

Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang anak, kapatid, o miyembro ng pamilya ay suwail. Ang ibang kahulugan nito sa tagalog ay hindi masunurin, matigas ang ulo, nagpapakita ng himagsik, sutil, masama, mapanghimagsik o naiiba sa lahat. Sa Ingles, matatawag itong “black sheep.”

Ang itim na tupa ay hango sa Ingles na idyoma. Sabi ng mga eksperto sa wika, sa mga ipinanganak na tupa ay meron talagang may isang itim ang balat. Siya ay hindi kaaya-aya sa iba dahil hindi na mababago ang kanyang kulay pa.

BASAHIN DIN: Panakip-butas Kahulugan At Halimbawa Nito

itim-na-tupa
Photo Source: Wikipedia

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang itim na tupa:

  • Itim na tupa kung ituring ng mga kapitbahay ang ika-tatlong anak ni Brenda.
  • Labis ang pagsisisi ni Bobby dahil sa pagiging itim na tupa.
  • Umuwi na ang itinuturing na itim na tupa sa kanyang mga anak.
  • Si Shane ay itinuturing na itim na tupa ng kanyang ina.

BASAHIN DIN: Kabiyak Ng Puso – Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment