Balat Kalabaw – Kahulugan At Halimbawa Nito
BALAT KALABAW KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng balat kalabaw at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang mga matalinghagang salita ay kadalasang ginagamit ng mga manunulat upang magkaroon ng istilo ang kanilang sinusulat. Ito rin ay pamamaraan para mahikayat ng may akda ang kanyang mga mambabasa.
Ang matalinhagang salita ay may malalim na kahulugan o di sigurado ang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. Ito’y ginagamitan ng mabubulaklak o nakakalitong salita.
Isa sa pinaka popular na talinhang salita sa Pilipinas ay ang “balat kalabaw.” Nangangahulugan ito na ang isang tao ay makapal ang mukha o walang-hiya.
Ang salitang ito ay nagmula sa paglalarawn ng balat ng kalabaw. Hindi naman “walang hiya” ang isang kalabaw, ngunit ang balat nito ay talagang literal na makapal lang. Kung sa tao, hindi na natatablan ng hiya dahil sa kapal.
Mahalaga ang salitang ito dahil naipababatid nito ang isang katangian ng mga tao na minsan ay wala nang hiya o konsiderasyon sa ibang tao.
BASAHIN DIN: Panakip-butas Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng idyomang balat kalabaw:
- Balat-kalabaw na talaga si Vangie kahit noon pa.
- Binalaan na kita noon pa na balat kalabaw talaga yang si Gina.
- Si Andrew ay balat kalabaw sa kanyang amo kapag nakakagawa ng kasalanan.
- Si Georgia ay balat-kalabaw sapagkat di niya maramdaman na ayaw sa kanya ng mga tao.
BASAHIN DIN: Itim Na Tupa Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page