Kahulugan Ng Pangimbuluhan – Halimbawa At Iba Pang Kaalaman

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan Ng Pangimbuluhan?”

PANGIMBULUHAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng salitang pangimbuluhan at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang kahulugan ng salitang “Pangimbuluhan” ay isang pakiramdam ng nayayamot o nagagalit. Ito’y ating ginagamit kapag tayo’y mayroong galit nakasama sa pagnanasa sa pagkakaroon ng kung ano mayroon ang iba.

Kahulugan Ng Pangimbuluhan – Halimbawa At Iba Pang Kaalaman

Posible itong maging ari-arian, katangian, kapalaran, pera, kaibigan, ati iba pa. Ang mga kasingkahulugan nito ay ang mga salitang mainggit, kainggitan, o managhill. Heto ang mga halimbawa:

  • Labis ang pangimbuluhan ni Peter sa bagong selpon na gamit ng kanyang kaibigan na si Hector.
  • Naramdaman ni Eva na mayroong pangimbuhulan si Sandra sa kanya dahil sa kanyang bagong sasakyan kaya kinausap niya ito.

BAKIT MASAMA ANG PANGIMBULUHAN?

Ang inggit ay maaaring isang mental at pisikal na nakakapinsalang pakiramdam. Ang mga taong naiinggit ay kadalasang hindi palakaibigan, nagagalit, galit na galit, at naiirita.

Ang inggit o pangimbuluhan ay naiugnay din sa kalungkutan, pagkabalisa, pagbuo ng bias, at personal na kalungkutan. Ang mga hindi kasiya-siyang emosyonal na estado na ito, hindi nakakagulat, ay may impluwensya sa pisikal na kalusugan.

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Bahaging Ginagampanan Ng Pamahalaan – Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment