5 Dahilan Ng Kakapusan – Kahulugan At Halimbawa Ng Kakapusan

Heto Ang 5 Mga Halimbawa Ng Dahilan Ng Kakapusan

KAKAPUSAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang 5 halimbawa ng dahilan ng kakapusan at ang kahulugan nito.

Bago nating tatalakayin kung ano ang mga dahilan ng kakapusan, atin munang alamin kung ano nga ba ang depenisyon nito. Bukod dito, pag-aaralan ang mga sanhi at bunga ng kakapusan.

5 Dahilan Ng Kakapusan – Kahulugan At Halimbawa Ng Kakapusan

ANO ANG KAKAPUSAN

Ang kakapusan ay ang kakulangan ng isang bagay kontra sa pangangailangan ng mga tao at kalikasan. Isang halimbawa nito ay ang pagkain.

Maraming mga lugar sa mundo ang mayroong kakapusan sa pagkain. Ito’y dulot ng mababang ekonomiya, kahirapan, korapsyon, at iba pang mga masasamang pangyayari.

Pag dating sa ekonomiya, ating dapat pag-aralan ng maigi ang kakapusan. Isa sa mga dapat nating isaalang-alang ay ang ating mga likas na yaman.

Dahil ito’y tinatawag na “scarce”, ibig sabihin ay hindi na ito mababalik kapag nawala. Ang mga halimbawa nito ay ang mga yamang mineral ng ating bansa na patuloy na minimina.

Heto ang iba pang mga dahilan ng kakapusan:

  • MAAKSAYANG PAGGAMIT NG LIKAS NA YAMAN
  • HINDI MAIBABALIK NA MGA LIKAS NA YAMAN
  • WALANG HANGGANANG PANGANGAILANGAN NG TAO
  • MABILIS NA PAGDAMI NG POPULASYON
  • TUNGGALIANG NAGAGANAP SA PAGGAMIT NG LIKAS NA YAMAN

Ating tandaan na ang kakapusan ay hindi lamang dulot ng isang sanhi kundi isang sistema ng kasakiman na mas lalong nagpapahirap sa ating bansa.

Ating patuloy na inaaksaya ang mga likas na yaman dahil sa patuloy na pagdami ng pangangailangan ng tao. Dahil sa sinasakam nating kaginhawaan, nasasakripisyo ang ating mga likas na yaman.

Kaya naman, nagiging madali para sa mga negosyante at pulitiko na bigyan ng pabor ang mga bagay na nakasisira sa kalikasan sa ngalan ng pera at kita.

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

READ ALSO: Uri Ng Interpersonal Na Komunikasyon – Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment