Ano Ang Salitang Dinalgat? (Sagot)
SALITANG DINALGAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang dinalgat at ang mga halimbawa nito.
Ang salitang dinalgat ay ang mga pina-iksing pagsulat ng mga salitang nagbibigay ng titolo sa isang tao katulad lamang ng Ginoo at Binibini. Gamit ang pagdalgat, ang Ginoo ay nagiging G at ang Binibini naman ay Bb.
Pero, bakit ba mahalaga ang mga salitang dinalgat?
Ang pangunahing dahilan nito ay upang mapadali at mapaikski ang pagsulat ng mga pangalan at mga salita. Kaya naman, ginagamit natin ang mga ito sa pang araw-araw nating buhay.
Bukod dito, napapabilis rin ang komunikasyon dahil mas madaling sabihin ang mga dinalgat na salita. Heto ang mga halimbawa ng iba pang salitang dinalgat:
– Bb. : binibini
– Gng. : ginang
– G. : ginoo
– Kgg. : kagalang-galang
– Dra. : doktora
– Gob. : gobernor
– Kap. : kapitan
– Hen. : heneral
– Sto./ Sta. : santo/santa
– Sen. : senator
Isa sa mga praktikal na pag gamit ng mga salitang dinalgat ay ang name plate. Halimbawa, kung ikaw ay isang doktor, kadalasan ay mayroon kang name plate na may “Dr.” tapos ang pangalan mo.
Dahil ginamit natin ang dinaglat na “Dr.” at hindi ang salitang “Doctor”, napa iksi natin ang kinailangang espasyo para sa name plate. Bukod dito, mas madali ka nang makikilala bilang isang doktor.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Karukhaan Halimbawa At Iba Pang Kaalaman