Ano Ang Kahulugan Ng Tekstong Naratibo? (Sagot)
TEKSTONG NARATIBO – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang tinatawag na “tekstong naratibo” at ang kahulugan nito.
Maraming paraan ng pagsusulat at magpahayag ng isang teksto at isa na rito ang tekstong naratibo. Mula sa salitang ingles na “narrative”, ito ay lumalayong maipahayag ang nangyayari sa mga tauhan sa naturang panahon at tagpuan.
Sa maikling salita ay simpleng nagkukwento ito ng mga pangyayari o karanasan ayon sa pagkakasunod sunod ng kani kanilang pagkaganap. Ang tekstong naratibo ay mayroong simula, gitna, at katapusan.
Ito rin ay naipapahayag sa iba’t ibang pananaw upang magkaroon ng malawakang kaalaman ang mambabasa tungkol sa naturang naratibo. Ang mga saloobin ng mga tauhan ay maaari ring maipahayag sa dalawang paraan; dayalogo na napaloob sa panipi na tila direktang sinasabi ng tauhan, at pahayag ng tagasalaysay na ginagamitan ng iba’t ibang pang uri upang mailahad nang mabuti ang iniisip o nararmdaman ng tauhan sa kwento.
Hindi mawawala sa isang naratibo ang paksa nito. Ito ay mahalaga sa isang tekstong naratibo sapagka’t ito ang nagbibigay gabay sa awtor o manunulat kung saan ipapaikot ang kwento.
Tunay ngang makakabuti ang tekstong naratibo sa atin lalo na sa mga kabataan dahil maliban sa nagbibigay libang o aliw ito sa mambabasa ay mapupulutan mo rin ito ng mahahalagang aral–mga aral na ating magiging sandata sa mga kakaharapin natin sa buhay.
BASAHIN RIN: The Soul Of The Great Bell Summary (Short Summary)