Heto Ang Mga Halimbawa Ng Gintong Aral Sa Kwentong “Ibong Adarna”
IBONG ADARNA – Sa paksang ito, ating aalamin ang mga gintong aral na maaaring makuha sa kwentong “Ibong Adarna”.
Ang Ibong Adarna ay isa sa pinaka-tanyag na kwento sa kasaysayan ng literatura ng Pilipinas. Ito ay nagsasalaysay sa kwento tungkol sa isang mahiwagang ibon na mayroong nakakamanghang kapangyarihan.
Subalit, ang mga gintong aral sa kwentong ito ay maaari nating isalamin sa ating mga buhay sa kasalukuyang panahon. Heto ang mga gintong aral ng Ibong Adarna:
- Dapat nating mahalin ang ating mga kapatid katulad lamang sa pagmamahal natin sa ating mga magulang.
- Ating tulungan ang mga kapwa, lalo na ang mga taong labis na nagangailangan.
- Taos-pusong maging mapagbigay sa ating kapwa at ibahagi ang kung anong meron ka sa mga taong nangangailangan.
- Huwag tayong maghusga sa pisikal na kaanyuan ng tao.
- Dapat tayong lumayo sa pagkakaroon ng inggit sa tagumpay ng iba.
- Huwag gumawa ng masama sa kapwa.
- Maging matapang at manatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sayo.
- Maging isang mabuting anak sa iyong mga magulang.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Modal? Kahulugan At Halimbawa