Halang Ang Kaluluwa Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Halang Ang Kaluluwa – Kahulugan At Halimbawa Nito

HALANG ANG KALULUWA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng “halang ang kaluluwa” at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang “halang ang kaluluwa” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang mga sawikain ay matatalinhagang salita na kung minsan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.

Ang mga idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay di komposisyunal. Ibig sabihin, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo.

Halang-Ang-Kaluluwa-Kahulugan-1

 Ang “halang ang kaluluwa” ay tumutukoy sa isang tao na kayang gumawa ng masama na para bang hindi nakakaramdam ng awa. Sa simpleng salita siya ay masamang tao, desperado, o salbahe.

Ang ganitong uri ng tao ay walang pangingimi na gumawa ng krimen. Kaya rin nilang pumatay ng tao. Para kasing kasiyahan para sa kanila na may nakikitang nasasaktan o napapahamak.

BASAHIN DIN: Di Mahapayang Gatang Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Halang-Ang-Kaluluwa-Kahulugan-3
Photo Source: 123RF

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng halang ang kaluluwa:

  • Walang lugar sa mundong ito ang mga taong halang ang kaluluwa.
  • Halang ang kaluluwa ng taong kaya gumawa ng karumal-dumal na krimen.
  • Halang ang kaluluwa ng mga lalaking pumatay sa isang miyembro ng LGBT.
  • Nararapat lamang na makulong habambuhay si Leon dahil halang ang kaluluwa niya.

BASAHIN DIN: Busilak Ang Puso Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment