Bumangga Sa Pader Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Bumangga Sa Pader – Kahulugan At Halimbawa Nito

BUMANGGA SA PADER KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang bumangga sa pader at iba pang kaalaman tungkol dito.

Marami panring manunulat ang gumagamit ng mga sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ang mga salitang ito ay may malalim na mga kahulugan o hindi kaya’y halos walang tiyak ang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito.

Ang salitang “bumangga sa pader” ay isang halimbawa ng sawikain. Isa ito sa pinaka popular na talinhaga sa bansa. Madalas itong marinig sa mga ulat o panoorin sa telebisyon.

BUMANGGA-SA-PADER-KAHULUGAN-1

Ang “bumangga sa pader” ay tumutukoy sa paglaban o pagtuligsa sa isang taong maimpluwensya, makapangyarihan, o mayaman. Ang taong ito ay gumagawa ng paraan na akala ng iba na imposibleng gawin.

Mituturing ang pader ang maimpluwensyang tao na hindi basta-basta matutumba ninuman kaya nabuo ang talinhagang ito.

BASAHIN DIN: Mainit Ang Dugo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Man
Photo Source: iStock

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng bumangga sa pader:

  • Ang sinumang bumangga sa pader ay tiyak na matatalo lamang.
  • Kahit pa bumangga sa pader ay gagawin ni Walter huwag lamang maging sunud-sunuran sa mga ito.
  • Kahit bumangga sa pader si Cardo, gagawin niya ito para sa ikabubuti ng kanyang pamilya.
  • Huwag kang magpaka bayani at bumangga sa pader.

BASAHIN DIN: Malikot Ang Kamay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment