Mapurol Ang Utak – Kahulugan At Halimbawa Nito

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Mapurol Ang Utak? (Sagot)

MAPUROL ANG UTAK KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng mapurol ang utak at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.

Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga. Kailangan nating malaman ang mga matalinhagang salita sa bansa dahil kadalasan parin itong ginagamit ng mga linggwistiko o manunulat.

Meron ding mga talinhagang salita na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag talastasan katulad ng salitang “mapurol ang utak.” Ang salitang ito ay isa sa pinaka popular na idyoma sa bansa.

MAPUROL-ANG-UTAK-KAHULUGAN

Ang talinhagang mapurol ang utak ay tumutukoy sa isang tao na hindi makapag-isip ng maayos. Pwede rin itong pang tukoy sa taong merong kamangmangang taglay.

Ang kasabihang ito ay nagmula sa metalikong bagay na hindi masyadong ginagamit kaya kinakalawang o napupurol. Ang idyomang ito ay paalala na kailangan nating gamitin ang ating utak parati at pagyamanin pa upang hindi pumurol o mangalawang.

BASAHIN DIN: Makitid Ang Utak Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Man
Photo Source: iStock

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng mapurol ang utak:

  • Mapurol ang utak ni Marsha kaya kailang ibalik siya sa Grade 6.
  • Si Benedict ay mapurol ang utak kaya siya’y tumigil sa pag aaral.
  • Baka tamad mag-aral kaya mapurol ang utak ni Carla.
  • Mapurol ang utak ng aking kapatid dahil puro sya laro at hinde na nakakapag aral.

BASAHIN DIN: Mataba Ang Utak – Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment