Makitid Ang Utak Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Makitid Ang Utak – Kahulugan At Halimbawa Nito

MAKITID ANG UTAK KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng makitid ang utak at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang salitang “makitid ang utak” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang tao na mayroong kaunting nalalaman lamang o hindi makaunawa.

Kapag makitid ang utak mo, para bang walang mapagsidlan ng bagong impormasyon sa iyo. Ito ay kabaligtaran ng idyomang “mataba ang utak.” Ito naman ay sumasalamin sa taong matalino o maraming alam.

MAKITID-ANG-UTAK-KAHULUGAN

Ang “makitid ang utak” ay isang pagtanaw na ang mga Pinoy ay nakararanas din ng problema sa taong sarado ang isip sa bangong impormasyon. Sa Ingles, matatawag itong “narrow-minded.”

Ang idyomang ito ay paalala na dapat nating buksan at lawakan pa ang ating pag-iisip para sa maraming impormasyon at darating pang kaalaman.

BASAHIN DIN: Ikrus Sa Noo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Cartoon
Photo Source: iStock

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng makitid ang utak:

  • Ang opinyon ng bawat isa ay kailangan kaya iwasan ang pagiging makitid ang utak.
  • Nag-away ang magkapatid na Neil at Noel dahil sa sinabi ni Neil na makitid ang utak ni Noel.
  • Hindi hadlang ang pagiging mahirap basta iwasan lang ang pagiging makitid ang utak.
  • Umiiyak ang empliyado ng sabihan sya ng boss nya na makitid ang utak niya.

BASAHIN DIN: Mataba Ang Utak – Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment