Mataba Ang Utak Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
MATABA ANG UTAK KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang mataba ang utak. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang salitang mataba ang utak ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang tao na maghusay mag isip o may angking katalinuhan.
Ang utak natin ay nagtatanda at naglalabas ng lahat ng kaalaman. Kaya naman sinasabing mataba ang utak ng taong mabilis mag-isip.
Ang idyomang “mataba ang utak” ay mahalagang pantukoy sa mga estudyante o taong matalino. Ito’y katibayan na kinikilala ng ating wika ang kahusayan ng mga estudyante nag gugol ng oras at panahon sa pag-aaral.
Ito’y paalala rin na dapat nating pagyamanin ang ating utak at sarili. Bukod sa ating katawan, kailangan din nating patabain ang ating utak.
BASAHIN DIN: Nagsusunog ng Kilay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng mataba ang utak:
- Mataba ang utak ni Thalia kaya siya parati ang tinatawag ng kanilang guro.
- Pinag-aral kasi sa mga magagandang eskwelahan ang batang yan kaya mataba ang utak.
- Aanhin mo ang mataba ang utak kung masama naman ang ugali?
- Siguradong mataba ang utak ng anak ni Celia kasi pinag-aral nya ng abogasya.
BASAHIN DIN: Ikrus Sa Noo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page