Krus sa Balikat – Kahulugan At Halimbawa Nito
KRUS SA BALIKAT KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng krus sa balikat at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang salitang “krus sa balikat” ay isang idyoma. Ang idyoma ay mga pahayag na di tuwirang nagbibigay ng kahulugan.
Ang mga ganitong klaseng salita ay hinango ang kahulugan mula sa karanasan ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay sa ating paligid.
Ang ibig sabihin ng krus sa balikat ay pabigat o pasanin ng kanyang pamilya o mahal sa buhay. Pwede rin itong mangahulugan ng pagkakaroon ng isang mabigat, mahirap, o matinding karamdaman o ano mang bagay na tanging siya lamang ang nagdadala.
Ang talinhagang salitang ito ay nagmula sa paghahalintulad sa krus na pinasan ni Hesus patungong kalbaryo. Ang krus na iyon ay kabayaran daw ng mga kasalanan ng sanlibutan na lahat ay pinasan nya.
Ang salitang “krus sa balikat” ay salamin ng pagpapakita natin ng halaga sa ating pananampalataya sa Dyos. Sa bawat pag gamit ng salitang ito, nasasariwa natin ang ginawang sakripisyo ni Hesus para sa atin.
BASAHIN DIN: Lumaki Ang Ulo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng idyomang krus sa balikat:
- Ang asawa niyang maysakit ay itinuturing niyang krus sa balikat.
- Si Conrad ay krus sa balikat nang kanyang mga magulang.
- Para kay Hannah krus sa balikat ang kanyang mga takdang aralin.
- Sabi ni Ellen hiniwalayan nya daw ang kanyang nobyo kasi para daw krus sa kanyang balikat.
BASAHIN DIN: Naglalakad Sa Buwan – Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page