Kasagutan: Haligi Ng Tahanan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
HALIGI NG TAHANAN KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng haligi ng tahanan at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Karamihan ng mga linggwistiko at mga manunulat ay gumagamit ng mga matalinhagang salita. Ang pagsusulat ng ganitong paraan ay para mahikayat pa ang mga mambabasa.
Ang mga ganitong klase ng salita ay may malalim na kahulugan o kaya’y halos walang tiyak na gustong ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. Isa sa pinaka popular na matalinhangang salita ay ang “haligi ng tahanan.”
Ang kahulugan ng “haligi ng tahanan” ay ama o tatay ng isang pamilya. Ang ama ay inihalintulad sa isang haligi dahil sa katangian nito na matatag, matapang, ang handang ipagtaggol ang kanyang pamilya sa kahit anumang problema. Sila rin ay responsible sa paghahanapbuhay upang ang kayang mahal sa buhay ay may makain sa araw-araw.
Mahalaga ang salitang ito dahil ito’y nagsisilbing pagkilala sa malaking papel ng mga tatay para sa kanilang pamilya.
BASAHIN DIN: Pusong Mamon Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng haligi ng tahanan:
- Ang aming haligi ng tadhanan ay mabait at maasahan.
- Ang ama ay haligi ng tahanan at ang ina naman ang ilaw ng tahanan.
- Responsable at mapagmahal ang aming haligi ng tahanan.
- Babae na natatanging katulong ng haligi ng tahanan.
BASAHIN DIN: Parang Aso’t Pusa – Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page