Parang Aso’t Pusa – Kahulugan At Halimbawa Nito

Kasagutan: Parang Aso’t Pusa Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

PARANG ASO’T PUSA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng “parang aso’t pusa” at ang halimbawa nito.

Ang wikang Pinoy ay hitik sa maraming klase ng panitikan. Ito ay gabay ng mga manunulat sa pag gawa ng mga iba’t-ibang uri ng babasahin. Isa na rito ay ang mga matalinhagang salita.

Ang matalinhagang salita ay may malalim na kahulugan. Ito’y ginagamitan ng idyoma, kasabihan, personipikasyon, simili, at iba pang mga nakakalito o mabubulaklak na mga salita.

PARANG-ASOT-PUSA-KAHULUGAN

Isa sa pinakasikat na matalinhagang salita sa bansa ay ang “parang aso’t pusa.” Ang salitang ito ay nagagamit sa iba’t ibang pagkakataon.

Ang ibig sabihin ng sawikaing ito ay palaging nag-aaway o hindi magkasundo. Hindi kasi nagkakasundo ang aso at pusa. Palagi rin silang nakikitang nagbabangayan.  

BASAHIN DIN: Pusong Mamon Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Aso-at-Pusa
Photo Source: HuffPost

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng parang aso’t pusa:

  • Ang mga magkakapatid na si Jack at Jill ay parang aso’t pusa kaya lagi silang napapagalitan ng mga magulang nila.
  • Hindi kami magkasundo ng kapatid ko, parang aso’t pusa.
  • Para kaming aso’t pusa kaya malayo ang loob ko sa kanya.
  • Parang aso’t pusa ang magkakapatid na aking kapitbahay.
  • Parang aso’t pusa itong si Pepe at Pedro.

BASAHIN DIN: Bukas Palad Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment