Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Bukas Palad? (Sagot)
BUKAS PALAD KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng bukas palad at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Ang mga sawikain o idyoma ay bahagi ng panitikang Pilipino na nagpasalin-salin mula noon hanggang ngayon. Ito’y salita o grupo ng mga salitang patalinhaga. Ito’y mabisang paraan upang maging maganda o makabuluhan ang salitang ating ginagamit.
Isa sa pinaka sikat na matalinhangang salita ay ang “bukas palad.” Ang ibig sabihin ng salitang ito ay pagkakaroon ng positibong damdamin sa pagbabahagi, pagbibigay at pagtulong sa iba.
Ang salitang bukas palad ay nagmula sa pagkakataon na kailangan ng isang tao ng kamay ng ibang tao nang minsan ng mahulog ito sa bangin. Nang buksan nya ang kanyang kamay, may nakapitan ang taong nasa gitna ng problema at muling nakabangon.
Ang salitang ito ay mahalaga dahil sa positibo nitong nais ipahiwatig. Madali lang ang tumulong, kailangan lang nating buksan ang ating mga palad para sa taong nasa alanganin. Kapag may humihingi ng tulong at kaya naman nating tulungan, magbigay tayo ng tulong.
BASAHIN DIN: Hating Kapatid – Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng bukas palad:
- Si Kenneth ay isang mabait na tao, siya ay mapagbukas palad sa mga nangangailangan.
- Ang pagtulong sa ibang tao ng bukas-palad ay maituturing na isa sa pinaka mabuting katangian na pwedeng makamit ng isang indibidwal.
- Si Lenlen ay walang pag aalinlangan at bukas-palad na tinulungan ang isang matanda na hindi makatawid sa daanan.
- Bukas-palad ang pagtanggap ng mga Pinoy sa mga banyaga.
BASAHIN DIN: Nagdilang Anghel Kahulugan, Halimbawa At Iba Pang Kaalaman
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page