Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Naniningalang Pugad? (Sagot)
NANININGALANG PUGAD KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng naniningalang pugad at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang salitang naniningalang pugad ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang ibig sabihin nito ay nanliligaw. Ito ay yugto ng buhay pagbibinata ng isang lalaking nagsisimula nang manligaw.
Ito ay isang uri ng kaugalian o tradisyon ng mga Pinoy upang maipakita ng lalaki ang kanyang nararamdaman sa nagustohang babae.
Noong unang panahon, ang tradisyonal na panliligaw ay idinaraan sa paghaharana o pag-aawit sa labas ng tahanan ng napupusuang babae. Minsan naman, ang lalaki ay mag-iigib o magsisibak ng kahoy para sa pamilya ng sinisintang dalaga.
BASAHIN DIN: Mababaw Ang Luha Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang naniningalang pugad:
- Napapadalas nang ginagabi ang anak mo. Naníningaláng-pugad na talaga ang batang iyan.
- Naniningalang-pugad na naman si Marco.
- Itong si Fernando ay naniningalang-pugad sa anak ni Ka Isko.
- Si Enrico ay naniningalang pugad kay Josephine.
BASAHIN DIN: Walong Lalawigang Sinisimbolo Ng Sinag Ng Araw Sa Watawat (Sagot)
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page