Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Ginawa At Sinabi Ni Lola?”
GINAWA AT SINABI NI LOLA – Sa paksang ito, ating pag-aarlan kung ano nga ba ang ginawa at sinabi ni lola nang makitang sumunod si Nina sa bawat direksyon nila.
Sa pagkakataong nakita ni lola na sumunod si Nina sa lahat ng direksyon nito, siya ay nagpakita nang lubusang katuwaan. Dahil dito binigyan ni Lola si Nina ng komendasyon o papuri.
Bilang resulta nito, mas nabigyan ng insentibo si Nina na maging produktibo at sumunod pa sa mga direksyon ng kaniyang lola. Bukod dito, mas ginusto na rin ni Nina na pagbutihin ang kaniyang sarili.
BAKIT MAHALAGA ANG PAGBIBIGAY NG PAPURI?
Ang salitang pagpupuri nag tataglay ng unlaping pag- at salitang ugat na puri. Ang Salitang ito ay naglalarawan sa pagsamba o pagbibigay halaga sa isang bagay.
Kapag ika’y naka kuha ng puri, ibig sabihin, ikaw ay mahalaga para sa isang tao. Nakita ito at naramdaman ni Nina nung siya ay sumunod sa mga direksyon ng kaniyang lola.
Heto ang halimbawa ng gamit ng papuri sa pangungusap:
- Binigyan si Peter ng papuri ng kaniyang guro dahil nakuha nito ang pinakamataas na marka sa klase.
- Hindi dapat tayo mahiya kapag tayo ay binigyan ng puri dahil ito’y nagpapakita na tayo ay mahalaga.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Sanhi At Bunga Ng Blitzkrieg – Kasaysayan At Iba Pa