Sagot Sa Tanong Na “Saan Matatagpuan Ang Fertile Crescent?”
FERTILE CRESCENT – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung saan nga ba natin matatagpuan ang tinatawag na “Fertile Crescent”.
Ang Fertile Crescent ay tinatawag din na “Matabang Gasuklay”. Ito ay isang rehiyong gasuklay ang hugis at nagtataglay ng matabang lupa. Kaya naman, ito’y tinawag na “fertile”.
Bukod dito, ang Fertile Crescent ay tinawag din na “Duyan Ng Sibilisasyon” dahil sa mga kontribusyon nito sa iba’t-ibang larangan. Dahil sa rehiyong ito, lubusang umunlad ang sibilisasyon at mga kabihasnan naipatayo dito.
Matatagpuan natin ang “Fertile Crescent” katabi ng mga bansang katulad ng Iraq, Syria, Lebanon, Cyprus, Jordan, Israel, Palestine, Ehipto, Turkey, at Iran.
Ang kalahating bilog na bahagi ng rehiyong ito ay katabi ng timog-silangan ng dagat Mediterranean. Pagkatapos, ang sentro nito ay direktang nasa norete ng Arabia habang ang silangang dulo ng rehiyong ito ay nasa hilaga ng Gulpo ng Persia.
BAKIT MAHALAGA ANG FERTILE CRESCENT?
Mahalaga ang rehiyong ito dahil ito’y naging pondasyon para sa pagunlad ng sinaunang mga kabihasnan. Karagdagan, ito rin ay naging tulay para sa Africa, Europa, at Asya.
Ang pagiging kontinenteng tulay nito ay ang dahilan kung bakit napanatili ang sari’t-saring biodiversity dito. Ilan lamang sa mga na diskobre sa lugar na ito ay ang pag-unlad ng teknolohiya, gamot, at iba pa.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Pang Ilan Ka Sa Magkakapatid English Translation & Example Sentences