Heto Ang Mga Halimbawa Ng Uri Ng Klima Na Matatagpuan Sa Asya
KLIMA SA ASYA – Ang Asya ay isang malaking kontinente at sakop nito ang iba’t-ibang bansa na mayroong iba’t-ibang uri ng klima.
Sa Pilipinas na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya ay mayroong dalawang uri ng klima ang tag-araw at tag-ulan. Hindi katulad ng ibang bansa sa Asya, ang Pilipinas ay hindi umuulan ng niyebe.
Ngunit, may mga pagkakataong umuulan ng yelo sa mga malalamig na lugar sa Pilipinas. Pero, ang ibang mga bansa sa Asya ay may kani-kanilang sistema ng klima.
KLIMA SA HILAGANG ASYA
Ang Hilagang Asya ay ating ding tinatawag na Sentral Kontinental. Dito, mahaba ang mga panahon ng taglamig at kadalasang nagtatagal ng anim na buwan. Dahil dito, maigsi lamang ang panahon ng tag-init.
Subalit, may mga lugar na mayroon pa ring matabang lupain na posibleng lagyan ng mga pananim. Pero, dahil sa sobrang lamig, may ilang mga rehiyon na hindi posibleng manirahan ang mga tao.
KLIMA SA KANLURANG ASYA
Dito sa kanlurang Asya, ang klima ay hindi palagian. Ibig sabihin, pa iba-iba ang klima sa lugar na ito. Pero, bihira lamang na makakaranas ng tag-ulan ang malaking bahagi ng kalupaang sakop nito.
Ngunit, kapag umulan nga, kadalsang ang mga naninirahan lamang malapit sa dagat ang makakakuha nito.
KLIMA SA TIMOG ASYA
Sa loob ng isang taon, maaasahan natin na magkakaiba ang klima dito. Mahalumigmig dito kapag buwang ng Hunyo hanggang Setyembre. Samantala, malamig naman dito kapag Disyembre papunta sa Pebrero.
Pero, kung Marso at Mayo naman, mararanasan natin ang tag-init of Summer.
KILMA SA SILANGANG ASYA
Dahil sa malawak na sakop ng rehiyon na ito, ang mga bansa na nasa bahaging ito ng Asya ay nakakaranas ng pa iba-ibang Klima depende sa kung saan ka sa mapa.
Halimbawa, ang mga taong malapit sa mababang latitude ay mainit ang panahon. Habang malamig naman na klima ang makikita sa ilang mga bahagi nito.
BASAHIN DIN: Heto Ang Halimbawa Ng Mga Katangian Ng Oras