Paano Ihambing Ang Dulang Pantanghalan Sa Dulang Pantelebisyon? (Sagot)
DULANG PANTANGHALAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung paano natin ihambing ang pantanghalang dula at dulang pantelebisyon.
Ang dulang pantanghalan ay ginagawa sa paraan ng pagtatanghal sa harapan ng mga madla. Kadalasan ito’y ginagawa sa isang entablado.
Bukod dito, ang mga halimbawa ng dulang itinatanghal ay ang sinaunang moro-moro, duplo, at sarswela. Makikita rin natin na ang komedya ang uri ng pagtatanghal na kadalasang inilalahad.
Samantala, ang dulang pantelebisyon naman ay pagtanghal na gumagamit ng tulong mula sa teknolohiya. Dahil sa teknolohiya, madali na lamang ibahin ang isang bidyo sa kagustuhan ng direktor.
Imbis na mga totoong props ang ginagamit katulad sa dulang pantanghal, ginagamit na lamang ang mga special effects at iba pang mga modernong teknolohiya.
Pero, isa sa pinakamalaking pagkakaiba ng dalawa ay ang hirap na dala ng dulang pantanghalan. Hindi katulad sa dulang pantelebisyon, ang dulang pantanghalan ay walang cuts at pa ulit-ulit na mga eksena.
Kaya naman, dapat perpekto at walang pagkakamali ang pagtatanghal sa entablado. Sa kabilang banda, ang dulang pantelebisyon ay posibleng gamitan ng ilang mga shot para makuha ang gusto nilang video.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Tamang Paggamit Ng Teknolohiya: Wastong Paraan Ng Paggamit Nito