Halimbawa Ng Anunsyo – Kahulugan Ng Anunsyo At +10 Halimbawa Nito

Heto Ang 10+ Na Halimbawa Ng Anunsyo At Ang Kahulugan Nito

ANUNSYO – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang +10 na mga halimbawa ng anunsyo at ang kahalagahan nito sa pang araw-araw na buhay.

Ang mga anunsyo ay palagi nating naririnig sa halos araw-araw. Makikita ito sa paaralan, telebisyon, internet, o kung saan-saan pa. Sa ating mga lokal na barangay, makikita natin ito sa mga bulletin board, sign, karatula at iba pang lugar.

Halimbawa Ng Anunsyo – Kahulugan Ng Anunsyo At +10 Halimbawa Nito

ANO ANG ANUNSYO? – Ang ibig sabihin ng mga anunsyo ay mga pahayag na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang bagay. Naka depende ang mga anunsyo sa bagay na gustong talakayin.

Halimbawa, kapag may malakas na ulan o bagyo na papalapit sa Pilipinas, nagbibigay ng anunsyo ang PAGASA. Pagkatapos nito, ang mga malalaking news channel ay nagbibigay din ng anunsyo sa mga lokal nilang lugar tungkol sa paparating na ulan.

Kahit sa ating mga paaralan, makikita din natin ang mga anunsyo. Halimbawa, kapag ikaw ay isang estudyante, kadalasan mong maririnig ang guro mo na nagbibigay ng anunsyo na mayroong pagsusulit sa susunod na mga araw para mabigyan ka ng pagkakataong mag-aral.

Sa mga barangay naman, maririnig natin minsan ang mga anunsyo habang mayroong sasakyan na umiikot sa ating lugar na naka megaphone. Sa paraang ito, mas madaling marinig ng mga tao ang mga bagong kaganapan sa barangay.

Halimbawa:

Ang kompetisyon ng “Battle of the Voices”, na gaganapin sa Plaza sa bayan sa darating na Sabado, Setyembre 7, 2020 sa ganap na 3:00 ng hapon, ay bukas para sa lahat ng mga kabataang may edad 10 hanggang 12. Hinihikayat ang pro-Filipino na kasuotan para sa lahat ng dadalo. . Ang kundiman, o awiting makabayan, ang anyo kung saan aawitin ang bagay.

Para sa lahat ng magulang, ang mga estudyante sa grade 5 section B ay mayroong feeding prgram na magaganap sa alas 3:00 ng hapon bukas, Oktubre 10, 2021.

ANUNSYO: May paparating na bagyo sa Pilipinas na may dalang malakas na pag-ulan sa sentral na bahagi ng Luzon.

Heto pa ang ilang mga halimbawa:

  • Anunsyo sa balita
  • Anunsyo sa Facebook
  • Pag gamit ng Internet para i anunsyo ang bagong palabas na pelikula
  • Anunsyo ng pagtaas ng presyo ng gasolina
  • Anunsyo para bagong patakaran sa barangay

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: 10 Halimbawa Ng Pagiging Matapat – Depinisyon At Iba Pa!

Leave a Comment