Halimbawa Ng Diona – Ano Ang Kahulugan At Halimbawa Nito

Heto Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Isang Diona

DIONA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng isang Diona at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

KAHULUGAN NG DIONA – Ang Diona ay isang uri ng tula na galing sa ating mga katutubo. Ito’y binubuo ng pitong pantig kada taludtod. Bukod dito, ang tulang ito ay mayroon ding tatlong taludtod sa kada saknong at may isahang tugmaan.

Halimbawa Ng Diona – Ano Ang Kahulugan At Halimbawa Nito

Heto ang mga halimbawa:

Nagluto ng adobo
Nilagyan ng rekado
Ano ang pangalan ko?

Litratong nakakahon
Pilit ibinabaon
Ng Beteranong Kampyon

Balahibo mong puti
Buntot mo na maikli
Sabik na sayong ngiti

Pag sunod ugaliin
Pag hugas ng kamay sundin
COVID-19 puksain

Kulay ma’y kayumanggi
Damit ma’y bahaghari
Pilipino siyang lahi

Sa sinaunang panahon ang mga tula katulad ng Diona ay sila ring tinatawag na mga awit. Ito’y dahil ang mga katutubong dula katulad ng Diona ay inaawit ang pagbigkas. Kahit sa kasalukuyang panahon may mga halimbawa pa rin ng mga tulang inaawit sa ating bansa.

Dahil dito, may mga pagkakataon din na ginagamit ang mga Diona sa mga kasal. Samantala, mayroon din na nagsasabi na ang mga Diona ay awit na ginagamit sa panliligaw.

Ngunit, sa kasalukuyang panahon, ang mga Diona ay tinatanggap bilang mga tula na may pitong pantig at tatlong taludtod katulad ng mga halimbawa sa itaas.

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Ano Ang Pamatlig Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment