Ano-Ano ng Mga Halimbawa Ng Katangian Ng Diyalekto?
KATANGIAN NG DIYALEKTO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang iba’t-ibang halimbawa ng Katangian ng Diyalekto at ang kahulugan nito.
Sa Pilipinas, marami tayong makikita o maririnig na diyalekto. Ito ay dahil sa natural na heograpikal na anyo ng ating bansa. Dahil hindi dikit-dikit ang ating mga isla, nagkaroon ng iba’t-ibang kultura, tradisyon, at wika ang marami sa mga Pilipino.
Narito ang ilan sa mga katangian ng diyalekto:
- Ito rin ay tinatwag na bernakyular o wikain.
- Ito’y mayroong pagkakaiba sa pagbigkas na nakadepende sa partikular na lugar, lungsod, o probinsya.
- Tumutukoy rin ito sa sari-saring paggamit ng wika.
- Dahil sa pagkakaroon ng maraming diyalekto, nabuo ang kaisipan ukol sa multi-lingual.
- Ang diyalekto ng isang probinsya o lugar ay maaaring epekto ng lokasyon at ektniko nito.
Ang ating wika at ang iba’t-ibang diyalekto na makikita sa Pilipinas ay parte ng kultura at tradisyon ng ating bansa. Kaya naman, napag-isipan na itaguyod ang wikang Filipino.
Ito ay hindi lamang Tagalog kundi sumasakop ito sa lahat ng lengwahe at diyalekto na matatagpuan sa Pilipinas. Atin ring tandaan na dahil ang wika ay parte ng ating kultura, ito’y dapat lamang na bigyang halaga.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Paggalang Sa Matatanda – Halimbawa Ng Pagpapakita Ng Paggalang