Ano Ang Mga Katangian Ng Pananaliksik? (Sagot)
PANANALIKSIK – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang iba’t-ibang katangian ng pananaliksik at ang kahulugan nito.
Mayroong 7 na pangunahing katangian ang pananaliksik ito ang mga sumusunod:
- Imperikal
- Lohikal
- Siklikal
- Analitikal
- Kritikal
- Metodikal
- Kakayahang i Kopya (Replicability)
Imperikal – Ang pananaliksik ay nakabatay sa mga direktang karanasan o obserbasyon ng mga mananaliksik.
Lohikal – Ang katangiang ito ay naka base sa mga tamang pamamaraan at mga alituntunin.
Siklikal – Naglalarawan ito ng isang “cyclical” na proseso dahil nagsisimula ito sa isang problema at nagtatapos sa isa pang problema.
Analitikal – Pinag-aaralan ang mga paraang analitikal na pagkuha ng datos. Maaari itong maging historikal, deskriptibo, o experimental.
Kritikal – Dito, ang pananaliksik ay sumasailalim sa maingat at tumpak na paghahatol.
Kakayahang i Kopya (Replicability) – ang disenyo at mga pamamaraan ng pagsasaliksik ay kinopya o inulit upang maabot ng mananaliksik ang wasto at kapani-paniwala na mga resulta.
Ating tandaan na ang pananaliksik ay sistematik. Mayroon itong proseso o magkakasunod na hakbang na dapat sundin tungo sa pagtuklas ng impormasyon. Ang pangunahing layunin ng mga pag-aaral na ito ay ang mapabuti ang kalidad ng isang aspeto ng komunidad.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Layunin Ng Bawat Sektor – Kahulugan At Halimbawa Nito (newspapers.ph)