Boots Anson Rodrigo Pens Heart-melting Letter to Late Manay Ichu

Boots Anson Rodrigo penned a heart-melting letter to Philippine movie industry stalwart, Marichu “Manay Ichu” Vera-Perez Maceda who passed away last September 7 due to a lingering illness.

Boots Anson Rodrigo Pens Heart-melting Letter to Late Manay Ichu
Photo Credit: PEP.ph

She passed away at the age of 77.

Many have expressed their grief over the passing of the movie industry persona.

Among those is her neighbor, bosom buddy, classmate, and close colleague Boots Anson Rodrigo.

Earlier, Boots Anson Rodrigo wrote a heart-melting letter to Manay Ichu which was retrieved by the entertainment website, PEP.ph.

Here’s the letter of Boots Anson Rodrigo:

Dear Manay in Heaven,

Masyado mo yatang dinibdib ang love affair mo with MOWELFUND.

Parang ‘Till death do us part’ ang effect. Kahit na -pack up ka na at nasa urn na ang cremains mo, hindi mo pa rin nilulubayan ang fundraising mo.

Pinagbilinan mo pa ang mga sympathizers mo na mag-donate na lang sa MOWELFUND imbes na magpadala ng bulaklak.

Ikaw lang, Manay, ang alam kong makakaisip at mag-aabalang gawin iyon sa halip na mag-Rest in Peace na lang.

Ang tindi! Hindi ka talaga mapigilan!

Hindi ka na nagkasya sa pagtulong kay former President Joseph “Erap” Estrada sa pagtatag ng MOWELFUND nung 1974 para ma-institutionalize and pagtulong sa mga “maliliit” na kasamahan natin sa industriya.

Kung tawagin ng iba ay “small fries” o mga ” alipores” iyong mga hindi nakikita sa puting tabing at halos hindi mabasa ang pangalan sa credits.

Sila iyong unang dumarating sa set at huling umaalis kapag “strike set” na at larga na lahat sa mga magagarang kotse nila habang ang mga ito ay sa “service” jeep o bus nakikiangkas at halos ay humilata na lang sa pagod at puyat.

Pag-uwi nila ay idlip, ligo at kain na lang ang may panahon sila para humabol sa “6AM on the set” call.

Ito rin ang mga pinakamaliliit ang suweldo at madalas ay nahihirapan pang humingi ng vale, kung kailangang mag-advance.

Pag lunch or dinner break na, habang ang iba ay sinisilbihan, kailangan silang pumila nang mahaba.

By the time nasa unahan na sila ng linya, kailangan nang bumalik sa set.

Alam mo lahat ang sitwasyon nila, Manay, kasi lumaki ka sa Sampaguita na pinalakad ng mga ninuno at magulang mo.

Nagtatag ka rin ng sarili mong MVP productions kaya naging “first hand” ang mga karanasan mo bilang producer.

Artista niyo ang tatay ko, si Oscar Moreno, sa Sampaguita nung late ’40s to ’60s.

Bukod dun, magkapitbahay rin ang mga Anson at Vera sa Camalig, Albay kaya parang kamag-anak ang turing nila sa Papa Oscar.

Kaya rin three years old pa lang ako ay nag-attend ka na ng birthday party ko.

Sa pagdadalaga natin ay naging schoolmate pa rin tayo sa Assumption Convent.

Nu’n pa man ay tinitingala ka na ng marami dahil honor student ka, active at higit sa lahat, marami kang kilalang artista.

Nang lumaon, naging artista rin ako ng Sampaguita. At nang unang mag-produce ang MVP (ikaw pala ang original MVP at hindi si Manny V. Pangilinan) Films, ako iyong kinuha mong bidang babae.

Nagkakasama tayo sa maraming activities ng industriya ng pelikula hanggang hilingan tayo ng Founding Chairman ng MOWELFUND na maglingkod sa Board nito nung early ’90s.

Hinirang kang Chairman ng Board pagkaraan ng ilang taon at ako naman ay napakiusapan na maging Presidente ni President Erap at mga kasamahan natin sa Board.

Parang tinukso naman tayo pareho ng tadhana nu’ng dumating ang maraming pagsubok sa MOWELFUND.

Nabawasan ang subsidy ng MOWELFUND mula sa Metro Manila Film Festival. Nadagdagan ang mga beneficiary agencies ng MMFF, habang dumarami naman ang mga member/beneficiaries natin sa MOWELFUND.

Sa tulong ng Board natin na binubuo ni Chairman Emeritus Estrada, Pangulong Rez Cortez, Vice President Julius Topacio, Direk Boy Vinarao, Jim Baltazar ng CMB, Gina Alajar, at ang yumaong Fr. Larry Faraon…

Sa pakikiisa ng management and staff natin at sa pagiging maunawain ng mga miyembro natin…

Nakapag-cost-cutting tayo, nakapag-fund raising, at mukhang makakaahon na ang MOWELFUND.

Kaya okay na rin, Manay, puwede ka nang mag-relax diyan. You deserve it.

Itong proceeds ng farewell fundraiser mo ay lilikumin namin para sa isang Manay Ichu Trust Fund for Special Projects, starting with a series of seminars on Film Production and Management na area of expertise mo.

Haaaay, Manay, I needed to be a bit tongue-in-cheek and even cute and funny, lest my dam breaks and I break my record of crying only in the movies.

We will truly miss you, Manay.

But we know that you will always be with us in spirit and will be our most formidable intercessor and taga-kulit at the Pearly Gates.

By the way, when you finally meet our Maker, please put in a good word for MOWELFUND, lobby for our cause with your foolproof “ensaymada diplomacy” and ask Him to drop Manna from Heaven at our next fundraiser.

Love from your “alipores” in Mowelfund,

Boots

Previously, former President Joseph “Erap” Estrada and Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. also expressed their grief about the passing of Manay Ichu.

Manay Ichu’s remains were cremated on September 7 at the Arlington Memorial Chapels and Crematory on Araneta Avenue, Quezon City.

On September 8, she was transferred to the Sampaguita Pictures Chapel on Gilmore Avenue, Quezon City.

What can you say about this article? Share your thoughts or insights in the comment section below?

For more news and the latest updates, feel free to visit this website more often.

Leave a Comment