Matandang Kalabaw Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Matandang Kalabaw? (Sagot)

MATANDANG KALABAW KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng matandang kalabaw at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.

Ang matandang kalabaw ay isang sawikain. Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na nagpapahayag ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari.

Ito ay kadalasang nagdadala ng aral dahil nagpapahiwating ito ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.  Malalalim na salita ang ginagamit sa idyoma at pinapalitan ang ordinaryong tawag kung kaya ito ay nagiging matatalinghagang pahayag.

Matandang-Kalabaw-Kahulugan-1

Ang idyomang “matandang kalabaw” ay tumutukoy sa taong may edad o matanda na. Maaring narining mo na sa isang tao na nagsabi na siya ay matandang kalabaw na. Ang ibig sabihin nito ay lampas na sila sa panahong sila ay malakas pa.

Ang idyomang ito ay kadalasang nariring sa mga matatanda. Ginagamit din ito ng mga manunulat o mga linggwistiko.

BASAHIN DIN: Matalas Ang Ulo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Old-man
Photo Source: NPR

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng matandang kalabaw:

  • Kahit matandang kalabaw nang ituring ang tatay ni Kiko ay sige pa rin ito sa pagtatrabaho.
  • Bagamat matandang kalabaw ay napakasipag pa rin ni Lolo Tibor sa trabaho.
  • Matandang kalabaw na si Gina pero sumasali parin sa mga kompitesyon sa zumba dance sa mga barangay.

BASAHIN DIN: Masama Ang Panahon Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment