Mahaba Ang Pisi Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Mahaba Ang Pisi? (Sagot)

MAHABA ANG PISI KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang mahaba ang pisi. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.

Ang “mahaba ang pisi” ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ang mga sawikain ay nakakatulong upang mas lalong mabigyan ng diin ang pangungusap. Ito’y salita o grupo ng mga salita na patalinhaga.

Hanggang ngayon, marami manunulat ang gumagamit ng mga matalinhagang salita kaya kailangan matutunan natin ang mga kahulugan nito. Ang pagsulat sa patalinhagang paraan ay isang istilo para mahikayat ng mga manunulat ang kanyang mambabasa.

MAHABA-ANG-PISI-KAHULUGAN-1

Ang ibig sabihin ng “mahaba ang pisi” ay mahaba ang pasensya, pasensyoso, hindi madaling magalit, o mapagtimpi. Ang litertal na kahulugan ng terminong ito ay mahaba na lubid o mahaba na tali. Ang pisi ay tumutukoy sa mga lubid na pinagsasama upang maging matibay ang panali.

BASAHIN DIN: Mahigpit Ang Sinturon Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Patient-man
Photo Source: Revolutionary Paideia

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng mahaba ang pisi:

  • Lubhang mahaba ang pisi ng isang guro sa kanyang mga makukulit na mga estudyante.
  • Kung hindi mahaba ang pisi niya, nagkaroon na ng away at gulo sa pagitan nilang magkapatid.
  • Mahaba ang pisi ng aking ama pagdating sa kanyang mga alagang aso.

BASAHIN DIN: Kayod Kalabaw Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment