Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Isip Bata? (Sagot)
ISIP BATA KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng isip bata at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Ang “isip bata” ay isa sa pinaka sikat na sawikain o idyoma sa bansa. Mahalagang malaman natin ang kahulugan ng mga matalinhagang salita dahil ginagamit parin ito ng mga manunulat o mga linggwistiko.
Minsan ang mga sawikain ay ang tanging paraan upang mabigyan ng emhasis ang isang partikular na ideya. Ang pag gamit nito’y tumutulong din upang pagyamanin pa ang wikang Pilipino.
Ang sawikaing “isip bata” ay tumutukoy sa taong matanda na pero mababaw ang kanyang pag-iisip. Kung mag isip ang taong ito ay simple lang na para bang bata. Sa Ingles, matatawag itong “immature.”
Ang mga isip bata na tao ay hindi pa gulang sa emosyonal na epektibong makipag-usap o iproseso ang kanilang mga damdamin.
BASAHIN DIN: Utak-biya Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng isip bata:
- Si Rowena ay isip-bata magisip.
- Naku, may edad na pero isip bata pa rin ang babaeng ‘yon!
- Isip bata pa rin ang lalakeng iyon pagkatapos ng nangyari sa kaniya.
- Tila naging isip bata si kuya nang makita ang makulay na parada sa aming lugar.
BASAHIN DIN: Walang Bahid Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page