Malawak Ang Isip Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Malawak Ang Isip? (Sagot)

MALAWAK ANG ISIP KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng makawak ang isip at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.

Ang “malawak ang isip” ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Ang sawikain ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay di kompusisyunal – sa ibang salita, ang mga salitang ito ay hindi direktang nag bibigay ng tumpak na kahulugan.

Ang malawak ang isip ay isa sa pinaka popular na sawikain sa bansa. Naririnig ito sa radio, telebisyon, pelikula, o sa kahit sa ordinaryong usapan. Nababasa din ito sa mga kwento, sanaysay, at tula.

MALAWAK ANG ISIP 1

Ang sawikaing malawak ang isip ay tumutukoy sa taong malaki ang pag-unawa o pag-intindi sa mga bagay na nahaharap sa kanya. Sila yung mga taong hindi basta-basta gagawa ng desisyon o huhusga base lamang sa mga narinig sa iba o base sa nakikita. Iniintindi muna nila ang sitwasyon bago pumili ng papanigan.

Ang isang taong may malawak ang pag-iisip ay may malaking kaalaman. Mas maiging matutu para magkaroon ng malawak na pag-iisip. Sa Ingles, matatawag itong “broad minded.”

BASAHIN DIN: Malakas Ang Loob Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Men-talking
Photo Source: freepik

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng malawak ang isip:

  • Sana ay kagaya ka na lang ni Wendel na malawak ang isip.
  • Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman.
  • Malayo sa gulo ang may malawak na isip.
  • Malaki ang kaalaman ng isang taong malawak ang pagiisip.
  • Malawak ang isip ni Darryl kaya siya ang laging nilalapitan ng kanyang mga kaibigan na may problema.

BASAHIN DIN: Makapal Ang Palad Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment