Malakas Ang Loob – Kahulugan At Halimbawa Nito
MALAKAS ANG LOOB KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng malakas ang loob at ang halimbawa nito.
Ang “malakas ang loob” ay isang sawikain o idyoma. Ang mga idyoma ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga. Ang mga salitang ito ay hindi tuwirang naglalarawan ng isang sitwasyon, bagay, o pangyayari.
Ang mga matalinhagang salita ay minsa’y nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao. Ito’y nakakatulong rin upang mas lalong mabigyan ng emphasis ang isang pahayag o pangungusap.
Ang “malakas ang loob” ay tumutukoy sa isang taong magiting, matapang, o buo ang loob. Sila ang klase ng mga tao na may malalakas ang loob na gawin ang lahat kahit na kinakabahan o natatakot makamit lamang ang gusto.
Ang mga taong matapang ay hindi sumusuko. Maaaring bumagsak sila, ngunit bumangon silang muli upang lumaban nang maraming beses hangga’t kailangan nila.
BASAHIN DIN: Mahangin Ang Ulo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng malakas ang loob:
- Malakas ang loob ko na haharapin ang anumang pagsubok na darating sa aking buhay.
- Ang mga sundalo ay malakas ang loob na humarap sa mga rebelde.
- Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng limang na holdaper sa loob ng pampasaherong jeep.
- Dapat malakas ang loob mo kapag ikaw na ay iniinterbyu na ng HR.
BASAHIN DIN: Makapal Ang Palad Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page