Mahabang Dulang Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Mahabang Dulang – Kahulugan At Halimbawa Nito

MAHABANG DULANG KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang mahabang dulang. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.

Ang mahabang dulang ay isang sawikain o idyoma. Ang mga sawikain ay kapaki-pakinabang dahil binibigyan ka nila ng bago o malikhaing paraan upang ipahayag ang iyong sarili.

Kadalasang naririning ang mga salitang ito sa mga nakakatanda. Maari ring makatagpo ka nito sa mga babasahin, radyo, telebisyon, o pelikula. Ang iba pa rito ay ginagamit sa mga ordinaryong usapan. Makakatulong ang mga sawikain na pahusayin ang iyong mga kasanayan sa pakikipag talastasan.

Mahabang-Dulang-Kahulugan-1

Ang ibig sabihin ng sawikaing “mahabang dulang” ay kasalan. Ang “dulang” ay isang uri ng mababang hapagkainan. Ito’y may sapat na espasyo lamang para sa isang munting pamilya.

Dahil maliit ang dulang, mula sa pangyayaring ito ang terminong “mahabang dulang” na tumutukoy sa pagkakaroon ng isang mesa na di-karaniwan ang haba. Nangangahulugan ito ng isang salusalo ng maraming tao o isang malaking handaan kapag may kasal.

BASAHIN DIN: Magaling Ang Kamay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Wedding
Photo Source: Emerson Fields

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng mahabang dulang:

  • O, kelan ang mahabang dulang nina Berna at Alfred?
  • Nalalapit na ang mahabang dulang ng anak ni Aling Vangie.
  • Nagulat ang mga magulang ni Taylor nang kanyang sabihin na sya’y magmamahabang dulang na.
  • Ngayong taon magmamahabang dulang na si Boknoy.

BASAHIN DIN: Magkataling-puso Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment