Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Magaan Ang Kamay? (Sagot)
MAGAAN ANG KAMAY KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng magaan ang kamay at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Ang “magaan ang kamay” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ito’y mga salita o grupo ng mga salita na ang kahulugan ay hindi komposisyunal o hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo.
Ang pag sulat o pagsabi na gamit ang mga idyoma ay nakakatulong upang ilarawan ang isang sitwasyon sa mas malikhaing paraan. Nakakatulong din ito upang mapalawak pa ang pag-unawa ng mga tao sa wikang Pilipino.
Ang idyomang “magaan ang kamay” ay tumutukoy sa taong mapanakit o palaging nananakit. Ang mga ganitong klase ng tao ay matatawag ding malupit, marahas, o walang damdamin.
Sinasabi kasi na ang mga taong mapanakit ay mabilis gumamit ng kanilang kamay upang makapanakit ng iba. Halimbawa nito ay ang pag hampas o pagsuntok.
BASAHIN DIN: Maamong Kordero Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng magaan ang kamay:
- Hindi magandang kaugalian ang magkaroon ng magaang kamay sa kanyang kapwa.
- Magaan ang kamay ng guro sa kanyang estudyante kaya siya ay ineraklamo ng mga magulang.
- Magaan ang kamay ni Aling Karya kaya takot sa kanya ang kanyang bunsong anak.
- Masyadong magaan ang kamay ang mga kamay ni Newton sa kanyang mga anak.
BASAHIN DIN: Mabigat Ang Dugo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page