Parang Kiti-Kiti – Kahulugan At Halimbawa Nito
PARANG KITI-KITI KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng parang kiti-kiti at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang “parang kiti-kiti” ay sang halimbawa ng sawikain o idiom sa wikang Ingles. Ang mga idyoma ay mga matalinhagang salita na mayroong nakatagong kahulugan.
Mahirap mang intindihin ang mga ganitong salita, nakakadagdag naman ito ng misteryo at interes sa tagapagkinig o mambabasa. Ang talinhagang ito ay nagagamit kung minsan sa akdang pampanitikan at iba’t ibang uri pa ng babasahin.
Ang terminong parang kiti-kiti ay tumutukoy sa isang tao na hindi mapigilan ang paggalaw ng katawan o malikot. Puwede din itong tumukoy sa isang tao na galawgaw o makulit.
Nakuha ang salitang ito sa isang uri ng insekto na nagiging lamok kalaunan. Parating nakikita ang mga kiti-kiti sa tubig at wala silang humpay sa pag galaw kaya naman naihahalintulad ang mga ito sa mga makukulit at galaw nang galaw.
Ang talinhagang ito ay ginagamit sa pag tawag sa isang tao na makulit particular na sa mga bata. Parati itong sinasambit ng mga guro, ina, o sinumang nag-aalaga ng bata.
BASAHIN DIN: Mahina Ang Loob Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng parang kiti-kiti:
- Parang kiti-kiti na naman kung kumilos itong si Nonoy.
- Parang kiti-kiti ang batang ito.
- Nung makita niya crush niya sa paaralan, para na siyang kiti-kiti.
- Parang kiti-kiti ang nanay kanina sa airport.
BASAHIN DIN: Nagbibilang Ng Poste Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page