Bukas Ang Isip – Kahulugan At Halimbawa Nito
BUKAS ANG ISIP KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salawikaing “bukas ang isip.”
Ang mga sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga. Ito’y hindi tuwirang naglalarawan ng isang bagay, pangyayari, o sitwasyon.
Ang “bukas ang isip” ay isa sa pinaka sikat na sawikain sa bansa. Ito’y kadalasang naririnig sa telebisyon, radio, o sa mga ordinaryong usapan.
Ang terminong ito ay tumutukoy sa taong tumatanggap ng opinion ng kanyang kapwa. Ang isang tao na may kakayahan na isaalang-alang o umunawa sa mga pananaw at pagsubok ng ibang tao, kahit hindi siya sumasang-ayon sa kanila, ay tinatawag na may bukas na isipan. Sa Ingles, matatawag itong “open minded.”
Siyempre, ang kakayahang umunawa sa kapwa ay may limitasyon. Hindi ito nangangahulugan na palagi ka nalang mikiramay sa bawat ideolohiya. Nagdedepende din ito sa opinion mo tungkol sa isang bagay.
BASAHIN DIN: Bukal Sa Loob Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng bukas ang isip:
- Mabuti na lamang at bukas ang isip ni Yolly sa mga usaping iyan.
- Buti pa si Walter, bukas ang isip sa mga ganyang usapin.
- Kung tayo’y may bukas na isip, hindi natin mamasamain ang alinman sa mga iyan.
BASAHIN DIN: Bukang Liwayway Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page