Asal Hayop – Kahulugan At Halimbawa Nito
ASAL HAYOP KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang asal hayop. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang “asal hayop” ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa wikang Ingles. Isa ito sa pinaka popular na sawikain sa bansa. Maririning parin ito sa mga ordinaryong usapan, sa telebisyon, o sa mga libro.
Nagkakaroon ng kapangyarihan ang isang pahayag kapag hinahaluan ng idyoma. Ang terminong ito ay tumutukoy sa isang tao na may masamang ugali o hindi makatao kung mag trato ng ibang tao.
Naiiba ang asal-hayop sa asal-tao. Hindi kasi asal-tao ang may kabastusan sa isip, sa kilos at salita. Ang asal-tao ay magalang, kanais-nais, malaya, pino, at may kapanagutan.
Kung tutuusin, ang mga hayop pa ang mas may damdamin kesa tao.
BASAHIN DIN: Agaw-dilim Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng asal hayop:
- Ang taong asal-hayop ay hindi maaaring pagtiwalaan.
- Si Kapitan Goryo ay asal hayop dahil binulsa nya ang pera ng barangay.
- Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung taong asal hayop.
- Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.
BASAHIN DIN: Alilang-kanin Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Philnews YouTube Channel
Philnews.ph FB Page
Viral Facts