Usad Pagong – Kahulugan At Halimbawa Nito
USAD PAGONG KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng usad pagong at ang halimbawa nito.
Ang “usad pagong” ay isa sa pinakasikat na sawikain sa bansa. Kailangan nating malaman ang kahulugan ng mga sawikain o idyoma dahil parati parin itong ginagamit ng mga lingwistiko sa pag limbag ng mga babasahin.
Ang mga matalinhagang salita ay naririnig parin natin sa telebisyon o pelikula. Ang iba naman rito ay ginagamit kahit sa ordinaryong pag-uusap.
Ang usad pagong ay tumutukoy sa isang tao o bagay na mabagal ang kilos o pagdaloy. Parati itong ginagamit sa pantuloy na napakabagal na usad ng trapiko.
Ang sawikaing ito ay literal na pagsasalarawan sa pag galaw ng isang pagong. Alam nating lahat na mabagal ang pag lakad ng hayop na ito dahil sa mabigat ang sisidlan sa kanilang likod.
BASAHIN DIN: Nasa Loob Ang Kulo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng usad pagong:
- Usad pagong ang pagpaplano at paghahanda ng grupo ni Joe para sa paligsahan bukas.
- Ang daloy ng mga sasakyan sa Edsa ay usad pagong.
- Halos araw-araw na lang na usad pagong ang mga sasakyan sa Maynila.
- Usad-pagong ang ekonomiya ng ating bansa dahil sa katiwaliang ginagawa ng mga taong nasa posisyon.
BASAHIN DIN: May Bulsa Sa Balat Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page